Skip to main content

Posts

Featured

Ang Tamang Paggamit Ng Social Media

Isa ka rin ba sa mga napapagod na sa masalimuot na mundo ng social media? Na-miss mo na rin ba ang mga panahon na ginagamit lamang natin ang Facebook, Twitter, Instagram, at iba pang mga social networking sites para paigtingin ang pagkakaibigan at mag-share ng mga nakakatuwang mga kaganapan sa ating buhay? Ninanais mo din bang maibalik sa dati ang katiwasayan ng internet? Ganoon din ang pakiramdam ng nakararami. Ikaw, ako, at marami pang iba ang gustong makagamit ng social media nang maayos. Yung walang bangayan, walang murahan, walang panlilinlang, o kaya’y pagkakawatak-watak. Paano nga ba ang tamang paraan ng pag-gamit ng social media? Halina at baybayin natin ang ilan lamang sa mga pamamaraan upang maibalik natin ang katinuan sa internet. Maaring sa pamamagitan ng mga maliliit na gawaing ito, magsilbi tayong halimbawa sa mas nakararami pa nating mga kababayan at kaibigan upang mapanatili natin ang kagandahang asal online. 1.   Tandaan na ang social media at ang internet ay is

Latest Posts