Ang Tamang Paggamit Ng Social Media

Isa ka rin ba sa mga napapagod na sa masalimuot na mundo ng social media? Na-miss mo na rin ba ang mga panahon na ginagamit lamang natin ang Facebook, Twitter, Instagram, at iba pang mga social networking sites para paigtingin ang pagkakaibigan at mag-share ng mga nakakatuwang mga kaganapan sa ating buhay? Ninanais mo din bang maibalik sa dati ang katiwasayan ng internet?
Ganoon din ang pakiramdam ng nakararami. Ikaw, ako, at marami pang iba ang gustong makagamit ng social media nang maayos. Yung walang bangayan, walang murahan, walang panlilinlang, o kaya’y pagkakawatak-watak.
Paano nga ba ang tamang paraan ng pag-gamit ng social media? Halina at baybayin natin ang ilan lamang sa mga pamamaraan upang maibalik natin ang katinuan sa internet. Maaring sa pamamagitan ng mga maliliit na gawaing ito, magsilbi tayong halimbawa sa mas nakararami pa nating mga kababayan at kaibigan upang mapanatili natin ang kagandahang asal online.
1. Tandaan na ang social media at ang internet ay isang publikong lugar
Anumang bagay na ipost natin sa social media at sa internet ay naisasapubliko. Ang isang post ay maaring mabasa ng daan-daan nating mga kaibigan. Maari din itong mai-share at umabot sa libu-libo, o maging milyun-milyong naka-konekta sa internet.
Kaya dapat maging maingat tayo sa lahat nang ating mga pananalita, mga pictures, at maging sa ating ekspresyon. Tandaan na maaaring mabasa ang mga ito ng samut-saring uri ng tao — mga kamag-anak, mga kaibigan, maging ng ating mga employer. Tandaan na kung ano ang ating reputasyon online, ganun din ang kanilang magiging pagkilala sa atin sa tunay na buhay.
Hanggat maaari, iwasang mag-post ng masyadong pribadong mga topiko, maseselang litrato at video, at huwag mag-post ng nakakasakit o nakakaoffend sa ibang tao lalo na ang patungkol sa kasarian, relihiyon, at pulitika.
2. Ang social media ay lugar para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan
Ang social media ay nilikha upang paigtingin ang ating koneksyon sa ating mga mahal sa buhay, kaibigan, sa pamayanan, at maging sa kabuuan ng lipunan. Ang Facebook, Twitter, Instagram, at iba pa, ay lugar para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan.
Maaring dumating minsan ang punto na magkasalungat ang ating mga pananaw sa iba’t ibang mga bagay subalit tandaan natin na karapatan ng bawat isa ang magpahayag ng paniniwala at saloobin. Hindi ito masama. Mas mainam nga na nakikipag-kuru-kuro tayo. Importante lang na manaig ang respeto sa mga pagkakaiba nating ito.
Kung masyado nang mainit ang usapan, bakit hindi mo yayaing magkape ang iyong kaibigan at pag-usapan ang inyong mga punto sa tunay na buhay? Iba pa rin ang face-to-face na pag-uusap.
(At tandaan, manlibre ka naman minsan, hindi yung siya lang palagi ang nanlilibre!)
3. Ugaliing basahin nang buo at maigi ang nilalaman ng article bago magkomento o magshare
Minsan maysado na tayong nasanay sa instant: instant noodles, instant coffee, instant lahat. Minsang pati sa mga bagay na nakikita natin online, gusto na rin natin ng madalian at mabilisan. Kung kaya, maraming beses tayong napapaso dala ng pag-react sa headline lamang.
Tandaan natin na importante ang pagbabasa at pag-unawa nang lubusan sa mga bagay na nakikita natin sa internet. (Babala: hindi lahat nang nakikita sa internet ay totoo!)
Narito ang ilang mga gabay na tanong upang mas maunawaan natin ang ating mga binabasa:
· Ano ang pangunahing paksa ng article na ito? (Tungkol saan ang article na ito?)
· Ano ang mga sumusuportang ideya sa pangunahing paksang ito?
· Ano ang gustong ipahiwatig ng manunulat/potograpo/may-akda ng gawang ito?
· Lahat ba nang mga naisulat/ipinapakikta/nailathala ay suportado ng siyentipikong pagsusuri, ebidensya at patunay?
· Pantay ba sa lahat nang panig ang mga anggulo sa akdang ito?
· Maari ko bang beripikahin at i-cross check sa iba pang mga sources ang mga sinasabi at kine-claim ng awtor sa article na ito? Sumosoporta ba sa claim na ito ang iba pang mga sources? O salungat ang mga ito?
· Itong akda/imahe/video ba ay diretsong pagpahayag ng katotohanan/kaganapan (facts)? O ito ba ay pagpapahayag lamang ng may-akda ng kanyang sariling opinyon?
· Paano ito makaka-apekto sa akin at sa aking pang-araw-araw na pamumuhay?
· Ano ang ibig sabihin article na ito sa mga bagay-bagay na kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan?
Kapag hindi lubusang naintindihan ang nababasa o nakikitang mga imahe, mas mainam na magtanong sa nakaka-alam, o mga eksperto sa topiko. Magtanong sa mga kaibigan, kamag-anak, guro, o mga otoridad na may mas malawak na kaalaman sa topiko ng article o litrato.
4. Iwasang mag share ng hindi beripikadong mga article o memes
Karugtong ng nasa itaas, tandaan natin na importanteng totoo at beripikado ang mga impormasyon na ating sine-share sa social media. Alamin kung totoo at batay lamang sa katotohanan ang nilalaman ng articles at mga larawan.
May mga artikulong nais lamang magbigay ng komentaryo sa pamamagitan ng pagpapatawa. Ang tawag sa mga ito ay lampoon, parody, o satire. Maging maingat sa pagkilala at pagbasa nang mga ito.
Tandaan natin na may iba pang mga websites na ang tanging pakay lamang ay manlinlang at magpakalat ng hindi totoong mga impormasyon. Iwasan natin ang mga ito.
Maaring sa pagse-share natin ng maling impormasyon ay makasakit tayo ng ibang tao, maging dahilan ng panic, o di kaya’y maging sanhi ng kaguluhan sa atin lipunan. Ayaw nating mangyari ito.
5. Maging responsable sa lahat nang oras
Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? OO. Kailangang i-memorize ito at paulit-ulit nating tandaan na ang responsableng pag-gamit ng social media ay ang tanging solusyon upang maibalik natin ang kaayusan at katiwasayan online. Ang pagiging responsable online ay nag-uugat sa dalawang bagay lamang: katotohanan at pag-galang.
Kung ang bawat isa sa atin ay responsable sa ating pag-aasal sa social media, maiiwasan natin ang bangayan, hindi pagkaka-uunawaan, siraan, at pagkaka-watak-watak.
Gamitin natin ang social media nang tama. Gamitin natin ito upang linangin an gating pakikipag-kapwa tao. Gamitin natin ito upang tayo ay matuto. Gamitin natin ang Facebook, Twitter, at Instagram upang mas mapabuti pa ang ating pamumuhay.
Ang dapat mong malaman. Kung hindi ka maingat, maraming makukuhang impormasyon mula sa iyong profile, mga picture, status update (maiikling message para sa lahat ng nasa ‘friends list’ mo), at comment (sagot mo sa mga message ng iba). Halimbawa, puwedeng malaman kung saan ka nakatira, kung kailan ka nasa bahay, at kung saan ka nagtatrabaho o nag-aaral. Kapag nabasa ng magnanakaw ang iyong adres at post gaya ng “Magbabakasyon kami bukas!,” alam na niya kung saan at kailan siya manloloob.
Ang ibang detalye​—gaya ng iyong e-mail address, petsa ng kapanganakan, o numero ng telepono​—ay puwedeng gamitin ng iba para mang-harass sa iyo, manakot, o magnakaw ng identity. Pero karaniwan lang na inilalagay ng mga tao ang gayong impormasyon sa kanilang page sa social network.
Hindi naiisip ng marami na kapag may ipinost sila sa Internet, posibleng mabasa iyon ng kahit sino. Kahit i-set nila sa “Friends Only” ang kanilang mga status update, hindi nila kontrolado ang gagawin ng mga kaibigang iyon sa impormasyon. Ang totoo, anumang naka-post sa social network ay dapat isipin na makikita ng publiko o madaling ikalat.
Ang puwede mong gawin. Maging pamilyar sa mga privacy setting ng iyong social network, at gamitin iyon. Ipa-access lamang ang iyong mga status update at picture sa mga taong kilala mo at pinagkakatiwalaan.
Gayunman, tandaan na ang ipinost mo ay puwede pa ring kumalat. Kaya regular na i-check ang iyong page, at pag-isipan kung mayroon kang nailagay na impormasyon na puwedeng magamit ng masasamang tao para matunton ka o nakawin ang identity mo. Kahit sa mga kaibigan mo, huwag mag-post ng impormasyon na magsasapanganib ng privacy mo o ng iba. (Kawikaan 11:13) Kung kompidensiyal ang impormasyong sasabihin mo, gumamit ng ibang paraan ng komunikasyon. “Ang pakikipag-usap sa telepono ay mas personal at mas may privacy,” ang sabi ng kabataang babae na si Cameron.
Ang dapat mong malaman. Maaaring maubos sa social networking ang oras mo at mapabayaan mo ang mas mahahalagang gawain. Ang sabi nga ni Kay, “kapag mas marami kang kaibigan sa list, mas marami kang oras na mauubos sa social networking at malamang na maadik ka na rito.” Pag-isipan ang komento ng ilan na nagsabing naadik sila rito.
“Mahirap mag-sign out sa isang social network, kahit hindi ka naman talaga nag-e-enjoy. Parang nakakaadik.”​—Elise.
“Napakaraming puwedeng gawin​—mga laro, test, music fan page​—bukod pa sa pagtingin sa page ng mga kaibigan mo.”​—Blaine.
“Para kang minamagnet, at wala kang kamalay-malay na naubos na ang oras mo hanggang sa dumating ang nanay mo at itanong kung bakit hindi pa nahuhugasan ang mga plato.”​—Analise.
“Kung minsan habang nasa iskul pa, gustung-gusto ko nang umuwi ng bahay para tingnan kung sinu-sino ang sumagot sa mga post ko. Pagkatapos, sasagot naman ako sa kanila at titingnan ang lahat ng bagong picture nila. Umiinit din ang ulo ko habang online ako, at ayaw na ayaw kong naiistorbo. Y’ong ibang kakilala ko, halos laging online​—kahit nasa ibang bahay sila kasama ng mga kaibigan at kahit dis-oras na ng gabi!

Facebook, Twitter, Youtube, Instagram, tumblr pati na rin Blogger. Ito lamang ang iilan sa mga social media sites na tinatangkilik ng mga kabataan. Isa ako sa kaila. Adik ako sa internet, pero di sa paraang masama. Gusto ko sanang idahilan ito sa aking ama at ipakita na mas mulat na ang mga kabataan ngayon. “Baka sa henerasyon n’yo lang ‘yun, iba na ang mga kabataan ngayon!” kung wala sana akong respeto’t di makapagtimpi ay ganitung-ganito ang aking isasagot.
Iba na nga ang mga kabataan ngayon. Pihikan na sila sa pagpili at proud akong kabilang ako sa henerasyong ito. Marami akong nila-like sa Facebook at fina-follow sa Twitter. Sa mga nakikita ko, kritikal nang mag-isip ang mga kabataan sa tulong ng social media at internet sites. Isang magandang balita para sa ating bayan.
Napansin ko rin na hindi lang sila bastang pumipili ng kandidatong popular dahil sa endorser at commercials. Pati mga independent candidates ay sinusuri na rin nila. May  pakialam na ang kabataan ngayon. Sa pamamagitan ng camera ay ini-ispatan na nila ang mga loko-lokong kandidato at ipinapadala sa midya. Marami rin akong nababasang mga artikulo galing sa blog sites ng mga kabataan at natutuwa naman akong basahin ang mga ito.
Isa pang ikinaka-proud ko ay ang liberal na isip ng kasalukuyang kabataan. Sariwa ang kanilang ideya di tulad ng mga nakatatandang tradisyunal na kung mag-isip. Dahil sa teknolohiya, napapalawak ang mga ito. Ilan rito’y paggawa ng short videos ukol sa eleksyon o panghihikayat sa kapwa kabata na maging matalino sa pagpili.
Karamihan ng mga botante ay may edad na 18-25. Mga kabataan. Kaya naman, kampante ako sa resulta ng botohan (kung walang mangyayaring pandadaya). Maituturing ko na magiging progresibo at matagumpay ang eleksyon na ito sa tulong ng matalino at mapanuring pagiisip ng mga kabataan. Totoo nga ang sinabi ng ating bayani, at sana naman ay mapagtanto ng mga kabataan at ng susunod na henerasyon na, Kabataan ang pag-asa ng bayan.

Sa mga panahon ngayon, naglalabasan ang mga bagong istilo ng cellphone, tablet, computer, at iba pa. Sigurado kasabay ng mga ito ang pag dami ng mga taong gagamit ng internet at social media. Ang mga kabataan ang kadalasang makikitang online sa mga social media kung saan ito ay nagagamit nila sa iba’t ibang paraan. Maraming maitutulong ang internet at social media sa ating mga buhay sa kasalukuyan. Sa internet makikita halos lahat ng bagay na kinakailangan ng tao kasama ang iba’t ibang impormasyon na maaaring makatulong sa pang araw araw na pamumuhay. Para sa social medias, ito ay kinakailangan dahil sa pamamagitan nito, makakausap natin ang ating mga mahal sa buhay at ito rin ay may mga gamit sa akademiko.
Papaano nga ba nakakatulong sa panahon ngayon ang internet, lalo na ang social media sa mga estudyate?
Una ay ang pag sesend ng files gamit ang social media kung saan sa facebook madalas ito isinasagawa. “Sa Fb na lang” ang malimit na marinig sa ating mga kaibigan o kaya sa mga kaklse. Ang sunod ay ang pagkakaroon ng “group chat.” Ito ay malaking tulong lalo na sa mga proyektong hindi masyadong napagusapan sa klase. Ginagawa ito upang higit pa maintindihan ng isang grupo ang kanilang proyekto. Ang research naman ay isang napaka halagang  gawain sa buhay ng mga estudyante sapagkat dito maari nila mas mapalalim ang pagkakaintindi sa isang bagay. Sa internet lalo na sa Youtube makikita ang iba’t ibang tutorials na maaring makatulong sa pag aaral  nating mga estudyante. Sa site na ito rin makikita ang mga documentaries na minsan ay ipinapanood ng mga guro sa klase. Sa twitter or facebook naman makikita minsan ang mga bagong balita sa lipunan. dahil sa madalas na pagtutok ng mga kabataan sa internet, dito na nadidiskubre ang mga balita at hindi na sa telebisyon. May mga pagkakataon na ang proyekto ay may kinalaman sa mga news article at dahil sa modernong panahon, sa internet na humahanap ang mga estudyante. Ngayon naimplementa na ang K-12, kapansin-pansin ang pagbibigay ng hand outs ay online na. Ginagamit ng mga guro ngayon ang Edmodo upang makarating sa mga estudyante ang mga gawaing kailangan nila para sa susunod na araw. Sa website na ito matatagpuan ang mga online quizzes. May mga pagkakataon din na dito na nagpapasa ang mga bata ng mga gawain gamit ang internet.
Nguit sa likod ng mga magagandang tulong ng internet at social medias sa mga estudyante, meron din itong negatibong epekto sa pag aaral. Sa lawak ng mundo ng internet at social media, may mga bagay dito na pwedeng maka hadlang sa pagaaral. Hindi lahat ng bata ay makakagamit, o kaya may budget na pambili nggadgets na kinakailangan. Una sa lahat, habang nag aaral hindi maiiwasan ng kabataan ngayon ang mapadalaw sa iba’t ibang websites na maaring umubos ng oras nila na ilalahad dapat sa pagaaral. Pag dting sa social media, hindi rin maiiwasan ang pag tingin ng mssages at notifications habang nagawa ng assigment o pakikipag ugnayan sa ibang bagay na walang ugnay sa akademikong bagay.
Dahil tayo ay nasa modernong panahon na, kinakailangan natin na masanay na sa paglabas ng iba’t ibang modelo ng gadgets. Ang internet ay malaking tulong sa akademiko gayun din sa social media, kung ito ay magagamit sa tama. Laging may oras para sa pagaaral, at lagi may oras para sa paglilibang. Tamang pagaayos ang kinakailangan upang mabalanse ang dalawa: internet at social media para akademiko, at internet at social media para sa libangan.
Kailganan ang social mediasa modernong panahon dahil makakatutulong ito sa pagpapadali ng komunikasyon sa iba at madaling kaalaman lalong lalo na sa mga mag-aaral. Nakakatutulong ito sa pagpapadali ng kaalaman.

MYEMBRO:
May Zobel P. Royales
Niel Doris S. Alintatao

Comments

  1. Maraming salamat! Napakaganda po!
    Again, thank u for sharing information!! Very interesting madami po akong natutunan!😊😊😊

    ReplyDelete
  2. Maaari ko po bang hiramin at gamitin ang ilan po sa information para sa talumpating ipinapagawa ng guro ko po?

    ReplyDelete
  3. Maari ko po bang hiramin Ang iyong info. Sa assignment ko po

    ReplyDelete
  4. Hi po, pwede ko po bang hiramin into sa aking assignment?🥺

    ReplyDelete
  5. Thx po natapos ko ang module ko thehill thito

    ReplyDelete
  6. Napakaganda po ng mga nabasa ko. Salamat po. At may mga ilang ideya po ako na kinopya ko para matapos ang module ko.

    ReplyDelete
  7. thank u po at nakutulong ng marami

    ReplyDelete

Post a Comment